Deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia, pansamantalang sinuspinde ng DOLE

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sa memorandum na inilabas kahapon, May 27, inutusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ipatupad ang suspensyon “immediately and until further notice”.

Nakatanggap kasi ng mga ulat ang ahensya na nire-require ang mga paalis na OFW ng kanilang mga employer o foreign recruitment agencies na sagutin ang gastos para sa kanilang COVID-19 health at safety protocols gayundin ang insurance coverage premium nila pagdating sa Saudi.


Ayon kay Bello, hinihiling na niya sa gobyerno ng KSA na atasan ang mga employer ng mga OFW na pasanin ang gastos para sa kanilang 10-day quarantine roon.

Dismayado naman ang daan-daang OFW na papunta ng Saudi Arabia matapos biglaang ipatupad ng DOLE ang temporary deployment ban.

Facebook Comments