Lilimitahan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagpapadala ng Overseas Filipino Workers sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, kasunod na rin ito ng mga reklamo ng OFWs sa Saudi na hindi sila pinasasahod ng kanilang mga amo.
Nilinaw naman ng kalihim na ang magiging limitasyon sa deployment ay para sa mga bagong manggagawa lamang.
Kabilang sa mga maapektuhan nito ay ang mga household service workers at skilled workers.
Sinabi pa ni Bello na aabot sa 300 OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia ang hindi sumusweldo at aabot na ang sweldong ito sa P4.6 Billion.
Aniya, karamihan sa naturang OFWs ay nagtatrabaho sa malalaking oil at construction companies doon.
Nakausap na rin anya niya ang ambassador ng KSA para makialam ang gobyerno nito sa isyu pero wala pa itong aksyon.
Nagpadala na rin anya ng liha m si Pangulong Duterte sa Hari ng Saudi Arabia pero wala parin itong sagot hanggang ngayon.
Sa record ng DOLE, 13, 000 na OFWs sa KSA ang hindi pinasweldo ng kanilang mga employer at nakabalik na sila sa bansa sa tulong na rin ng pamahalaan.
Sa pag-taya ng DOLE, aabot sa tatlong milyon ang mga OFW sa Saudi Arabia.