Deployment ng mga Pilipinong manggagawa sa South Korea, posible na bago matapos ang Nobyembre

Posibleng masimulan na ang deployment ng mga Pilipinong manggagawa sa South Korea.

Kasunod ito ng sinabi ng Korea’s Ministry of Employment and Labor (MOEL) na bibigyan na nila ng permiso ang mga nais magtrabaho sa kanilang bansa sa ilalim ng entry permit system (EPS) bago ang katapusan ng Nobyembre.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, inatasan na niya ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na simulan ang pagproseso ng mga dokumento ng mga Pilipinong nais magtungo sa nasabing bansa.


Batay sa datos, aabot sa 2,000 returning EPS workers at 2,000 bagong hire ang naghihintay nang makapunta sa South korea.

Ilan sa mga requirement na kailangan ay ang pagiging fully vaccinated kontra COVID-19 at negatibong resulta ng RT-PCR test.

Sa ngayon, naghihintay na lang ng guidelines ang Korean Embassy sa Pilipinas mula sa foreign government para sa E9 visas na ibibigay sa mga EPS worker.

Facebook Comments