Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng mga opisyal na balotang gagamitin sa May 13 midterm elections.
Ayon sa Comelec Packing and Shipping Committee – ang dispatch ng official ballots mula sa National Printing Office (NPO) at sa Comelec warehouse sa Marikina City ay gagawin sa April 24, 2019.
Sa April 4, 2019 naman ang inaasahang dispatch ng Automated Election System (AES) equipment at supplies sa mga provider sa Comelec warehouse sa Laguna.
Inabisuhan din ng poll body ang mga kandidato at partidong pulitikal hinggil sa paglipat o pagpapadala ng iba pang official ballots sa Comelec warehouse sa Marikina.
Ang mga maiiwang official ballots sa NPO ay ang mga gagamitin sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.