Deployment ng OFWs sa Lebanon, ipinatigil dahil sa nararansang crisis doon

Pansamantalang sinuspende ng pamahalaan ang pagde-deploy ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Lebanon dahil sa crisis sa pampolitikal at ekonomikal doon.

Ito ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 2 sa Lebanon o “restriction phase.”

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – inaprubahan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang resolusyon sa deployment ban sa mga bagong tanggap sa trabaho sa Lebanon.


Aniya, tanging ang mga OFW na naisyuhan ng overseas employment certificates bago ipatupad ang depolyment ban ang papayagan makaalis ng bansa.

Facebook Comments