Deployment ng PSPG, pinaaayos ni PNP Chief Marbil

Pinabibigyang prayoridad ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa deployment ng Police Security and Protection Group (PSPG) ang mga indibwal na may high-security threats.

Ito ang inilabas na bagong direktiba ni Gen. Marbil upang masiguro ang mas maayos na seguridad para sa mas nakararaming populasyon sa bansa.

Ang direktibang ito ay batay sa isinagawang comprehensive threat assessment ng PNP.


Binigyang-diin ni Marbil na layon nitong makamit ang ideal police-to-population ratio na 1:500.

Sa ngayon kasi ay nasa 1:2000 ang police-to-population ratio.

Samantala, kinumpirma ni Marbil na patuloy na nagbibigay ang PNP ng top-tier security services kay Vice President Sara Duterte Carpio.

Ito’y sa kabila ng kamakailang paglilipat ng 75 tauhan PSPG sa National Capital Region Police Office (NCRPO), habang 31 PNP personnel ang nananatiling naka-assign sa pagbibigay seguridad sa Bise Presidente.

Facebook Comments