DEPORT | 10 Chinese fugitives, ipade-deport ng BI

Sampung Chinese na wanted sa Beijing, China ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sangkot ang naturang Chinese nationals sa sangkot sa serious offenses sa kanilang bansa tulad ng economic crimes, internet fraud at smuggling.

Ang mga Chinese na sina Li Tian Feng, Duan Tingting, Li Miao, Zou Wang, Zhang Hailong, Wang Liao, at Huang Zongyou ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Pampanga at Metro Manila.


Nakakulong na sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang naturang mga dayuhan habang patuloy ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments