DEPORTATION | Ardot Parojinog, posibleng mai-deport sa bansa mula Taiwan sa Agosto

Sa susunod buwan, posibleng maiuwi na sa bansa si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, kapatid ng napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Jr.

Ayon kay PNP-Directorate for Intelligence Director Gregorio Pimentel, nakikipag-ugnayan pa rin sila sa mga otoridad ng Taipei Economic and Cultural Office para mapabilis ang deportation kay Parojinog.

Si Ardot ay sampung buwang nagtago matapos ang madugong raid sa tahanan ng mga Parojinog sa Ozamis.


Wala siya sa lugar ng mangyari ang raid pero narekober sa kanyang bahay ang mga shabu, matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog.

Matatandaang nag-alok pa si Pangulong Duterte ng 5-milyong pisong pabuya para sa agarang ikadarakip ni ARdot.

Mayo 2018 nang maaresto siya sa Taiwan dahil umano sa illegal entry.

Facebook Comments