Manila, Philippines – Nanawagan ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox Sa Bureau of Immigration (BI) na bawiin ang deportation charges laban sa kanya.
Matatandaang binaligtad ng Department of Justice (DOJ) ang ruling ng BI na nag-uutos kay Fox na umalis na ng bansa.
Iginiit muli ni Fox na hindi siya sumali sa anumang political activities sa bansa.
Base sa inihaing memorandum na inihain ng kampo ni Fox sa Board of Inquiry, nakasaad dito na ang pagsali ni Fox sa mga public rally ay walang halong political at may kinalaman lamang sa kanyang trabaho bilang misyonaryo.
Nakiusap din ang madre sa BI na tanggalin ang kanyang pangalan sa immigration watchlist.
Umaasa ang kampo ni Fox na mananatili pa rin ito sa bansa para maipagpatuloy ang kaniyang missionary work.