DEPORTATION CASE | Case ni Australian missionary Sister Fox, iaakyat sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Balak ng kampo ni Sister Patricia Fox na dumulog sa Korte Suprema

Ito ay sakaling ibasura aniya ng Bureau of Immigration (BI) ang kanyang counter-affidavit at ituloy ang pagpapadeport sa kanya.

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, abugado ni Sister Fox, maghahain sila ng petisyon sa Korte Suprema at hihingi ng temporary restraining order para maharang ang pagpapadeport sa dayuhang madre.


kukuwestiyunin din aniya nila sa Supreme Court ang pagkansela ng BUreau of Immigration sa missionary visa ni Sister Fox.

Partikular na inaakusahan si Sister Fox ng paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na nagbabawal sa mga dayuhang turista na makilahok sa political activities sa Pilipinas.

Facebook Comments