Deportation case, inihahanda na ng BI laban sa Amerikanong pastor na inakusahang nang-abuso sa 160 bata sa Pampanga

Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case laban sa Amerikanong pastor na sangkot sa pisikal na pang-aabuso sa 160 bata sa Pampanga.

Ang suspek na si Jeremy K. Ferguson, 48 taong gulang, ay unang inaresto ng mga pulis sa Pampanga.

Si Ferguson ay nagpapatakbo ng isang religious organization sa Mexico, Pampanga kung saan may mga menor de edad na mga bata sa kustodiya nito.

Nabatid na sinasaktan niya ang nga bata, bukod sa ginugutom, at ikinukulong ang mga ito.

Facebook Comments