Isinusulong na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case ng apat na dayuhang naaresto sa Ternate, Cavite.
Ito’y matapos sirain at bastusin ng mga ito ang watawat ng Pilipinas.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, inihahanda na ang kaso sa apat na foreign nationals.
Sa ngayon ay sumailalim na ito sa preliminary investigation at naka-detain sa pasilidad ng BI.
Giit ni Tansingco, dapat igalang ng lahat ng dayuhang nasa Pilipinas ang watawat ng bansa.
Ang pagsira aniya sa mga simbolo ng bansa ay malinaw na kawalan ng respeto at hindi nararapat sa hospitality ng mga Pilipino.
Nauna nang inaresto ng PNP ang tatlong Pakistani at isang Romanian noong June 16 makaraang lapastanganin ang watawat ng bansa.
Facebook Comments