Pinoproseso na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa mga Chinese national na naaresto sa isinagawang raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company sa Las Piñas City kamakailan.
Ayon kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, pinaiimbestigahan na nila ang mga Chinese worker na iligal na nakapasok sa Pilipinas para magtrabaho sa naturang POGO company.
Kaugnay nito, inatasan din ang Fugitive Search Unit ng BI para sa koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine National Police (PNP).
Ito upang matukoy aniya kung may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa ang mga takas na Chinese nationals.
Samantala, sakaling matukoy na mayroon ding kaso na kinahaharap ang mga ito sa Pilipinas ay hindi muna sila ipapa-deport at kailangan muna nilang hintayin ang pinal na resulta ng imbestigasyon.