DEPORTATION ORDER | Kampo ni sister Fox, magsusumite ng apela sa DOJ

Manila, Philippines – Isusumite sa Lunes ng kampo ni Australian Missionary Sister Patricia Fox ang apela sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng deportation order ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay matapos ibasura ng immigration ang motion for reconsideration (MR) sa deportation issue na kinakaharap nito.

Iginiit ng kampo ni Fox na hindi naging patas ang BI sa mga usaping ipino-protesta nila hinggil sa missionary visa extension ng madre.


Ayon kay Atty. Joel Pahilga, abogado ni Fox, paninindigan nila ang kanilang pinalakas na mga argumento para mabigyan ng bigat ng immigration ang usapin.

Nanindigan din mismo si Fox na wala siyang ginagawang masama sa ilang taong pananatili sa Pilipinas bilang missionary.

Hindi rin daw makatuwiran ang pagpapa-deport ng gobyerno sa mga misyonaryong nakikilahok sa mga pagkilos.

Facebook Comments