Manila, Philippines – Binibigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang Australian missionary na si sister Particia Fox ng 30 araw para sumagot matapos ibasura ang kanyang motion for reconsideration na layong baligtarin ang deportation order laban sa kanya.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, bagaman at nauunawaan nila na may pagmamalasakit lamang sa ibang tao si Fox, ang mga kilos nito ay dapat manatili sa boundary na itinakda ng batas.
Aniya, dapat sumunod sa batas ng Pilipinas ang mga foreign national, tulad na lamang ng mga Pilipinong nasa abroad na sumusunod sa batas ng bansang kung nasaan sila.
Dahil kung hindi, harapin nila ang deportation.
Nabatid na nag-isyu ang BI ng deportation order laban kay Fox nitong Hulyo dahil sa paglabag sa mga kundisyon ng kanyang panananatili at ang pagiging undesirable alien.
Muling iginiit ng BI na hindi maaaring sumali ang mga dayuhan sa mga isinasagawang lokal na protesta sa bansa.