DEPORTATION | Sister Fox, ikinalungkot ang deportation order kanya ng BI

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Australian missionary nun na si Patricia Fox ang ruling ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa kanyang deportation.

Ayon kay Sister Fox, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng kautusan.

Titingnan din nila kung ano pa ang maaring gawin nilang hakbang.


Dagdag pa ni Fox, kokonsultahin muna niya ang kanyang mga abogado para sa planong pag-apela.

Muling iginiit ni Sister Fox na sa loob ng 27 taon ay ginagawa na niya ang kanyang missionary work sa Pilipinas.

Samantala, sinabi ng kampo ni Fox na maghahain sila ng Motion for Reconsideration para baligtarin ang kautusan dahil hindi pa ito final at executory.

Facebook Comments