DEPRESSION | Michelle Williams, pumasok sa isang mental health facility

Hollywood – Kinumpirma ni American singer at Destiny’s Child member na si Michelle Williams na nag-enroll siya sa isang mental health facility sa Los Angeles.

Ilang araw nang nasa naturang pasilidad si Williams upang ipagamot ang kanyang depresyon.

Taong 2017 nang aminin nito na siya ay mayroong depresyon at dumating sa punto na naisip mag-suicide.


Nag-post pa si Williams kung saan masaya siyang malaman na mayroon palang paraan upang matulungan siyang magamot ang depresyon.

Facebook Comments