Dept. of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakarating na sa Benham Rise matapos ang halos 20-oras na biyahe

175

Manila, Philippines -Nakarating na ang grupo ng Dept. of Agriculture(D-A), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Benham Rise.
 
Ito’y matapos ang halos 20-oras na biyahe mula Infanta, Quezon.
 
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – ito na angpinakamalaking expedition ng gobyerno ng Pilipinas sa Benham Rise.
  Nangako si Piñol na bibigyan ang mga Pilipinong mangingisda ngmga modernong gamit para pagyamanin at pakinabangan ang yamang dagat hatid ng BenhamRise.
 
Ibinaba rin malapit sa lugar ang ‘payao’ na siyang magiging tirahan ng mga isdaat simbolo na pag-aari ito ng Pilipinas ang Benham Rise.
 
Pinababa sa ilalim ng tubig ang mga divers para maghanap nglugar kung saan maaring magtayo ng istruktura na magsisilbing researchfacility, helicopter landing site, monitoring site at panhingahan ng mgapilipinong mangingisda.
 
 

Facebook Comments