Dept. of Agriculture, handang ipatupad ang pansamantalang pagpapatigil ng pag-aangkat ng bigas

Handa ang Department of Agriculture (DA) na pansamantalang itigil ang pag-angkat ng bigas tuwing anihan ng mga magsasaka.

Ito ay makaraang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan – susundin nila ang utos ng Pangulo kahit taliwas sa layunin ng rice tariffication law na walang limitasyon sa importasyon ng bigas.


Dahil dito, mapipilitan ang mga magsasaka ibenta ang kanilang ani kapag hindi nai-angat ang presyo ng palay.

Hiling din nila sa Pangulo na pondohan ang pamimigay ng hybrid na binhi ng palay dahil mas marami ang naaani nito kumpara sa ordinaryong binhi.

Facebook Comments