Maglalabas ang Department of Agriculture (DA) ng zoning plan upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever.
Ayon kay Task Force on Swine Diseases Director, Dr. Reildrin Morales, ang buong Visayas at Mindanao, at mga lalawigan ng mimaropa at masbate ay idedeklarang free zones o walang kaso ng ASF.
Gagawing Containment Zone naman ang mainland Luzon.
Sa loob ng Luzon Containment Zone, mayroong ‘Protected Zones,’ ‘Surveillance Zones,’ at ‘Infected Zones.’
Ang Protected Zones ay Cordillera Region at Regions 1, 2, at 5.
Ang Surveillance Zones naman ay may high risk ng ASF gaya ng Central Luzon at Calabarzon.
Ang mga Infected Zones naman ay Bulacan at Pampanga.
Facebook Comments