Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga Hog Raiser na nagsasagawa ng hindi tamang pagkatay sa mga baboy.
Ito’y matapos ang mga ulat na inililibing lang sa bakuran ang halos 1,000 baboy na nakumpiska ng Veterinary Office ng Antipolo City, Rizal.
Ang iba pa umano sa mga inilibing na baboy ay buhay pa.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, may mga itinalaga silang burial grounds at doon dapat inililibing ang mga baboy.
Kung sa bakuran lang ito inilibing, mataas ang tiyansang kumalat lang ang sakit.
Sinabi ni People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Senior Vice President of International Campaigns Jason Baker, posibleng sampahan nila ng kaso nag Antipolo City Government dahil sa Mass Culling ng mga baboy.
Dagdag pa ni Baker, ang ginawa nila sa mga baboy ay hindi makatao at barbariko.