Dept. of Agriculture, nais magsagawa ng cloud seeding

Inatasan na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang regional offices na mag-sagawa ng cloud seeding.

Ito ay kasunod na rin ng nararanasang tagtuyot dahil na rin sa epekto ng El Niño.

Ang cloud seeding ay paggawa ng artipisyal na ulan kung saan nagbubuhos ng asin sa ulap para umulan.


Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakababa na ang pondo para sa cloud seeding noong nakaraang taon pa.

Pero aniya may mga batayan para sa pagsasagawa nito.

Una wala dapat maapektuhang pananim. Halimbawa sa Occidental Mindoro na may tanim na sibuyas na maaaring masira kapag umulan.

Pangalawa,  dapat mayroong makapal na ulap.

Pangatalo, dapat nakaabang na ang mga magsasaka para hindi masayang ang sapilitang pagpapaulan.

Facebook Comments