Dept. of Agriculture, nanawagan sa mga OFW na magbabalik na bansa na huwag mag-uwi ng meat products

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga OFW na magbabalik-bansa na huwag nang magdala ng meat products.

Ito ay bilang pag-iingat sa African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, ang mga produktong dala ng mga galing sa mga bansang may ASF ay kukumpiskahin sa paliparan o pantalan.


Kung mag-uuwi ng karne mula sa mga bansang walang ASF, kailangan pa rin ng mga kaukulang dokumento.

Ang mga makukumpiskang meat product ay dadahil sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry(BAI) at susunugin.

Samantala, bukas ay inaasahang ilalabas ang resulta ng Confirmatory Test sa mga processed meat products na nasabat sa Mindoro na nagpositibo sa ASF.

Facebook Comments