Dept. of Agriculture sa Bicol region, todo tutok sa mga magsasaka na nangangailangan ng tulong

Bicol, Philippines- Todo-tutok ngayon ang Department of Agriculture sa lahat ng mga magsasaka sa Bicol region.

Kinakailangan aniya na matutukan na mabigyan ng tulong katulad ng libreng pataba, pesticide at patubig.

Nagsanib-pwersa ang Department of Agriculture at National Irrigation Administration.


Sa kasalukuyan ay may mga lugar pang hindi naabot ng mga libreng tulong na bitbit ng kagawaran.

Pero aniya patuloy pa rin ang kanilang pagpupursigeng matulungan ang mga magsasaka sa buong rehiyon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments