Naghahanda na ang Department of Energy (DOE) sa posibleng magiging epekto ng pag-atake sa Oil Facilities sa Saudi Arabia.
Ayon kay DOE Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, mayroon pang reserba ang Pilipinas sa mga produktong petrolyo at hindi pa natutukoy ang lawak na pwedeng mangyari at maging epekto nito.
Pangamba naman ng ilang Oil Companies, posibleng umabot sa tatlong piso ang dagdag sa presyo sa produktong petrolyo kapag hindi naagapan ang sitwasyon.
Sinabi naman ni DOE Director Rino Abad, noong nagbawas ng produksyon ng langis ang Organization of Petroleum Exporting Countries at nagpataw ng sanction sa Venezuela at Iran.
Umabot hanggang limang piso kada Litro ang kauboang dagdag presyo mula Enero hanggang Setyembre.
Dagdag pa ni Abad, kapag tumagal pa ang problema kailangan nang maghanap ng iba pang mapagkukunan ang mga kumpanya ng langis.
Kakausapin ng DOE ang mga Oil Companies na i-utay-utay ang singil sakaling lumobo ang presyo sa susunod na Linggo.