Dept. of Finance, suportado ang dagdag-buwis sa mga sigarilyo at alak

Nanindigan ang Department of Finance (DOF) na dapat suportahan ang panukalang dagdag buwis sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Finance Usec. Karl Chua, ang Excise Tax Increase sa alcohol at tobacco products ay isang hakbang para isulong ang aspeto ng kalusugan sa bansa.

Iginiit niya ang panukalang dagdag Buwis ay isang health measure dahil ang makokolektang kita ay para sa pondo na ilalaan sa Universal Health Care (UHC) Program.


Sa November 4 ay ipagpapatuloy ng Senado ng period of interpellations sa panukala ng ahensya na taasan ang buwis o ang tinatawag na Sin Tax.

Facebook Comments