Naglabas na ng abiso ang Department of Health na nagpapatupad na sila ng human flu like- illness surveillance sa Pampanga kasunod ng naitalang kaso ng avian flu virus.
Ibig sabihin, tinututukan ngayon ng DOH na hindi maisaliin sa tao ang naturang virus.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, sa ilalim ng heightened surveillance, kailangang maireport agad sa pinaka malapit na ospital ang mga pasyente na makararanas ng lagnat, sore throat at ubo na na-expose sa mga patay na manok, upang agad na makapagsagawa ng laboratory test.
Ayon sa kalihim, nakahanda na ang mga supply ng anti-flu medication at iba pang kagamitan sakaling kailanganin ng mga ospital sa lugar.
Nagpadala na rin aniya ang DOH ng mga epidemiologists sa lugar para umalalay sa Department of Agriculture para sa pag-aaral ng nasabing outbreak.
Sa kasalukuyan, pinapayuhan ng DOH ang lahat ng mga health providers na magsagawa ng respiratory precautions at maging maingat sa pagsusuri ng mga pasyenteng kakakitaan ng sintomas ng flu.
Pinapayuhan rin ng DOH ang publiko, na lutuing mabuti ang mga manok bago kainit.
Dept. of Health, gumagawa na ng aksyon para hindi maisalin sa tao ang bird flu virus
Facebook Comments