Dept. of Health, magsasagawa ng ‘Patak Kontra Polio’ sa Maguindanao matapos maitala ang ikatlong kaso

Magsasagawa agad ang Department of Health (DOH) ng ‘Patak Kontra Polio’ sa susunod na Linggo sa Maguindanao.

Ito’y matapos kumpirmahin ang ikatlong kaso ng Polio na nagmula sa isang apat na taong gulang na nagmula sa bayan ng datu piang.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, walang bakuna ang bata laban sa Polio.


Setyembre nang dalhin ang bata sa Cotabato Regional and Medical Center para sa check up.

Ang nakitang Polio virus sa ikatlong kaso ay pareho sa virus na nakita sa unang kaso nito sa Lanao Del Sur.

Nakakaalarma ang Polio kaya hinihikayat ng DOH ang lahat na magpabakuna kontra rito.

Samantala, hinihintay ng DOH ang resulta ng Confirmatory Test ng isang tatlong taong gulang na bata na mula rin sa Mindanao.

Una na itong nagpositibo sa Polio Test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at kung magpositibo pa ito sa Confimatory Test ay ito na ang ikaapat na kaso ng Polio sa bansa.

Facebook Comments