Dept. of Human Settlement, pinagsusumite na ng budget proposal

Photo Courtesy: Rep. Albee Benitez/albeebenitez.ph

Manila, Philippines – Pinagsusumite na ng mababang kapulungan ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ng panukalang budget sa Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2020.

Natuklasan sa pulong ng House Committee on Housing and Urban Development na pinangunahan ng chairman na si Negros Occidental Representative Albee Benitez, nagkakanya-kanyang sumite pa rin ng budget proposal ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) sa DBM kahit pa may DHSUD na.

Paliwanag dito ni Director Angelito Aguila ng HUDCC, aabutin kasi ng anim na buwan ang transition kaya male-late na sila para sa submission sa DBM.


Dahil dito ay inihirit ng mga kongresista sa DBM na bigyan ng konsiderasyon ang DHSUD bilang bago lang ang ahensya.

Ipinunto naman ni Benitez na kahit wala pang IRR ay batas na at nalikha na ang DHSUD kaya kailangan nitong magsumite ng panukalang budget para sa susunod na taon para mayroon silang mai-prisinta sa Kongreso pagsapit ng budget deliberation.

Humihirit din ang bagong ahensya ng supplemental budget na gagamitin naman sa transition.

Facebook Comments