Dept. of National Defense, kinumpirmang tatlo ang nasawi sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatlo ang nasawi sa panig ng gobyerno habang 12 ang sugatan sa nangyaring pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana – kabilang rito ang isang pulis at dalawang sundalo na namatay sa kasagsagan ng bakbakan.

Sinabi rin ni Lorenzana – nilusob ng grupo ang amai pakpak medical center at tumangay ng ilang medical supplies.


Ilang lansangan din ang kontrolado ngayon ng mga bandidong grupo na nakasuot ng facial mask at may bandila pa ng ISIS.

Sinunog din ng teroristang grupo ang ilang pasilidad at establisyimento sa lugar.

Nanatiling din aniyang black out ang buong lungsod ng Marawi kaya pinapayuhan ang mga residente na manatili sa loob ng bahay hangga’t walang abiso mula sa kinauukulan.

Tiniyak din ni Lorenzana na patuloy ang nagpapadala ng karagdagang sundalo sa Mindanao para mapakas ang pwersa ng militar doon.
DZXL558

Facebook Comments