*Cauayan City, Isabela-* Malaki ang naging pasasalamat ni Police Inspector Oscar Valero, ang Deputy Chief ng Provincial Investigation and Detective Management Service ng PNP Batanes dahil ganap na itong isang bagong abogado.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Pol. Insp. Atty. Oscar Valero, Pamamahala sa oras ang kanyang naging pundasyon kung saan nagawa pa rin umano niyang mag-aral ng abogasya sa kabila ng kanyang responsibilidad bilang isa sa mga alagad ng batas.
Aniya, mapalad umano siya dahil isa siya sa mga pinalad na makapagtapos sa kursong abogasya at maging ganap na abogado.
Pinasalamatan naman ni Pol. Insp. Atty. Valero ang lahat ng kanyang mga naging kasama sa Pulisya na kanyang naging katuwang upang maabot ang kanyang propesyon bilang isang bagong abogado.
Ayon pa kay Atty. Valero, Kailanman ay hindi naging hadlang ang kanyang edad bagkus ay malaki pa umano ang kanyang kompiyansa upang ipursige ang pag-aaral sa Law.
Hinihikaya’t ngayon ni Atty. Valero ang lahat ng mga gustong maging abogado na ipagpatuloy lamang at ipursige ang pag-aaral upang makamit ang pangarap na maging isang matagumpay na abogado ganun din sa mga PNP Investigator.
Samantala, si Police Inspector Oscar Valero ay isa sa limang abogado na pumasa sa board exam na pinarangalan sa Isabela State University dito sa Lungsod ng Cauayan nitong nakaraang sabado.