Deputy chief of police ng Pres Roxas sa North Cotabato dinukot

Dinukot ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples’ Army o NPA ang deputy chief of police ng bayan ng President Roxas, sa lalawigan ng North Cotabato, kagabi .
Mismo ang hepe ng bayan ng Pres. Roxas na si Police Chief Inspector Andres Sumugat, ang hepe ng Pres. Roxas ang nagkumpirma sa nangyaring pagdukot sa kanyang deputy na si Inspector Menardo Cui, Sr.
Sinasabing nasa loob ng KTV Bar and Lodging House sa may Barangay Tuael ng President Roxas si Cui nang dukutin ng mga armadong lalaki.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments