Deputy City Prosecutor sa Riding in Tandem!

111

Cauayan City, Isabela- Patay ang Deputy City Fiscal ng Lungsod ng Ilagan na si Atty. Victor Begtang Jr, matapos pagbabarilin malapit sa kanyang tahanan sa Malama, Conner, Apayao.
Ayon sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa OIC ng PNP Conner, Apayao na si P2Lt Caroline Domyong, naganap ang pamamaril bandang alas dos bente ngayong hapon ng Hunyo 23, 2021 malapit sa tahanan ng naturang abogado.
Sa kanilang paunang imbestigasyon, apat (4) na bala ng baril ang tumama sa katawan ng biktima matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang riding in tandem.
Naitakbo pa ito sa Conner District Hospital ngunit hindi nagawang maisalba ang kanyang buhay.
Abangan ang mga karagdagan pang detalye ng balitang ito dito lamang sa 98.5 iFM Cauayan.

Facebook Comments