Deputy Ombudsman Carandang, kumpirmadong sinibak na

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na ang pagkakasibak kay overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ay nangyari noong June 17.

Itinalaga na si Special Prosecutor Edilberto Sandoval bilang acting overall deputy ombudsman.

Matatandaang naglabas ng dismissal order ang Office of the President noong July 30, 2018 dahil nakitang liable si Carandang para sa graft and corruption at betrayal of public trust.


Bago ito, isiniwalat ni Carandang sa media ang tungkol sa isinasagawa nilang imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ibinahagi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kanila ang bank transactions ng Pangulo.

Itinanggi na ng AMLC ang mga paratang ni Carandang.

Facebook Comments