Deputy Speaker Loren Legarda, gagamiting inspirasyon ang pangunguna sa senatorial survey

Nagpaabot ng pasasalamat si Deputy Speaker Loren Legarda sa tiwala ng mga botante sa kanyang serbisyo publiko matapos na mag-number 1 sa senatorial survey ng OCTA Research.

Ang kongresista ay nakakuha ng 66% voting preference.

Ayon kay Legarda, magsisilbi itong inspirasyon sa kanya para lalong pag-ibayuhin ang paglilingkod sa taumbayan.


Partikular na ipagpapatuloy ng mambabatas ang pagsusulong ng mga batas na makatutulong sa pagbangon ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Una rito ay inendorso na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura si Legarda sa pagka-senador dahil sa maraming nagawa nito bilang mambabatas.

Facebook Comments