Deputy Speaker Paolo Duterte, namahagi ng medical supplies sa mga kalapit na probinsya sa Davao region

Tumulong na rin si Deputy Speaker at Davao City Representative Paolo Duterte sa mga kalapit na probinsya sa Davao region.

Ayon kay Congressman Duterte, isang buwan na ang nakalipas mula nang tumama ang krisis na COVID-19 sa bansa ay patuloy na nakakaranas ng kakulangan sa medical items ang mga health care workers at ibang frontliners para maprotektahan ang mga sarili laban sa virus.

Nag-donate ang kongresista ng 2 million na face masks at 1,000 thermal guns para sa Davao City at Davao provinces.


Ang Davao Occidental, Davao del Sur, Davao Del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental ay makakatanggap bawat probinsya ng 150,000 face masks at 90 thermal guns habang ang 182 na barangays sa Davao City ay makakatanggap naman bawat isa ng 2,000 face masks at 2 thermal guns.

Naniniwala si Duterte na para epektibong ma-contain ang pagkalat ng COVID-19 ay mahalagang matulungan din ang mga kalapit na lugar o probinsya.

Nagpalagay din ang mambabatas ng tatlong epidemic prevention stations na nakapwesto sa public terminals at airport kung saan mayroon itong 360 degrees sanitizing cubicles at temperature scanner na agad makaka-detect ng isang taong may lagnat.

Facebook Comments