Deputy station commander ng Polomolok South Cotabato PNP, patay sa pamamaril

GenSan- Patay ang Deputy Station commander ng Polomolok Municipal Police Station matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek.

Si Police Senior Inspector Hernan Gabat ang biktima na nagtamo ng tama sa kanyang tagiliran at iba pang parte ng katawan na agad niyang ikinamatay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis ng Polomolok PNP, na dakong alas 11 kagabi, niratrat ng mga suspek ang Mang Ephoy Lechon House kung saan nandoon si Gabat.


Damay naman ang dalawa pang biktima na sila Rio Salig Sr. at Karl Plomollo ng Bureau of Fire Protection Polomolok na patay rin sa pamamaril.

Sugatan naman ang lima pa na mga costumers na nasa lugar.

Sinasabi kumakain si Gabat sa nasabing kainan, at nagsasagawa rin ng intelligence monitoring.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalim na imbestigasyon ang kapulisan kung ano ang motibo sa nasabing pamamaril.

Kinokondena naman ng Police Regional Office -12 ang nasabing pamamaril.

Facebook Comments