Derek Ramsay at Joanne Villablanca, hiwalay na!

Inamin ng aktor na si Derek Ramsay na hiwalay na sila ng kaniyang longtime girlfriend na si Joanne Villablanca.

Gayunman, tumangging magbigay ng detalye si Derek kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nais na lang raw niyang sa pagitan na lang nilang dalawa ang nangyari.


Tumagal ang relasyon ni Derek at Joanne ng anim na taon.

Facebook Comments