Derek Ramsay, isinapubliko na ang ilang detalye sa paghihiwalay nila ni Andrea Torres

120

Ibinunyag na ng aktor na si Derek Ramsay ang ilang detalye sa paghihiwalay nila ng sexy actress na si Andrea Torres.

Sa isang vlog, inamin ni Derek na nagsimula lamang ito sa isang simpleng hinidi pagkakaintindihan hanggang unti unti ay lumaki na ang kanilang problema kaya’t napagdesisyonan na nilang dalawa na maghiwalay na lamang.


Nilinaw rin ng aktor na wala silang sama ng loob sa isa’t isa.

“I never unfriended Andrea. There’s no hate siguro towards each other. “You can see that she’s back into work, she looks great, she’s been working out. It shows that we both don’t have any animosity towards each other.” ani Derek.

Matatandaang nabalita ang hiwalayang Andrea at Derek noong Nobyembre 2020 matapos ang higit isang taong relasyon.

 

 

Facebook Comments