Derek Ramsay, nilinaw na hindi niya pinapalitan si John Lloyd Cruz sa pagiging ama kay Elias

Nilinaw ng hunk actor na si Derek Ramsay na hindi niya pinapalitan si John Lloyd Cruz sa pagiging ama sa anak ni Ellen Adarna na si Elias.

Sa birthday celebration post ni Derek para kay Elias, sinagot nito ang isang netizen na nagsabing dapat magpasalamat si John Lloyd sa aktor.

Sinagot naman ni Derek na mabuting ama si John Lloyd kay Elias at parehas silang ama sa anak ng kaniyang fiancee.


Nilinaw rin ni Derek na wala silang isyu ni John Lloyd.

Facebook Comments