Deriktiba ni Pangulong Duterte na paghaluin ang distribusyon ng magkakaibang brand ng COVID-19 vaccine, binatikos ni Senator De Lima

Kinondena ni Senator Leila de Lima ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-shuffle o paghaluin ang distribusyon ng magkakaibang brand ng COVID-19 vaccine.

Hindi katanggap-tanggap para kay De Lima ang layunin ng utos ng pangulo na huwag hayaang pumili ang publiko ng gusto nilang brand ng bakuna laban sa COVID-19 at tanggapin na lang kung ano ang available na ibibigay ng gobyerno.

Diin ni De Lima, napaka-iresponsable na tanggalin sa tao ang karapatan nilang pumili ng ituturok sa kanilang katawan.


Paliwanag ni De Lima, may pandemya man o wala ay hindi pa rin pagmamay-ari ng estado ang katawan ng bawat Pilipino.

Ayon kay De Lima, hindi dapat ipasa sa mamamayan ang masamang resulta ng pagpapabaya sa pagbili ng bakuna.

Binanggit pa ni De Lima na mas mainam sana kung ibinili na lang ng mas maraming bakuna ang bilyun-bilyong pisong ibinayad sa umano’y overpriced na pandemic supplies na binili ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Facebook Comments