Derrick Rose, planong kunin ng Cleveland Cavaliers para palakasin ang line-up pantapat sa Golden State Warriors

Sports – Desidido ngayon ang Cleveland Cavaliers na palakasin pa ang kanilang line-up bilang pantapat sa nagkampeon na Golden State Warriors bago magsimula ang panibagong season ng NBA.

Plano ngayon ng Cleveland na kunin ang former MVP at veteran guard na si Derrick Rose bilang back-up ni Kyrie Irving.

Pero dahil sa isyu ng salary cap, limitado lang ang magiging offer kay Rose na huling nakatanggap ng $21.3 million sa New York Knicks.


Kung sakaling ma-plantsa, papipirmahin si Rose ng one-year contract na may $2.1 million na salary bilang beteranog player.

Facebook Comments