DES, nagsisimula nang magputol ng mga sanga sa iba’t ibang baranggay sa Makati bilang paghahanda sa tag-ulan

Inuumpisahan na ng Department of Environmental Service (DES) ng Makati City ang pagpuputol sa mga sanga ng puno sa iba’t ibang baranggay sa lungsod.

Ito’y kasunod na rin ng pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan.

Ayon sa DES, nakatatanggap na sila ng mga tawag sa mga baranggay para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga kalsada kada baranggay.

Ang inisyatiba ring ito ay para hindi makapagdulot ng anumang sakuna dulot ng mga nagbagsakang mga sanga na kung minsan ay tumatama pa sa kawad ng kuryente.

Bukod pa rito, nais din nilang matiyak na ligtas ang publiko sa anumang sakuna lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments