Manila, Philippines – Muling iginiit ni Senate President Tito Sotto III sa pamahalaan na bukod sa pagpapatayo ng karagdagang mga dam ay makabubuting pag-aralan nito at piliting maipatupad ang desalination bilang tugon sa water crisis.
Ayon kay Sotto, dahil sa pagkakaroon ng desalination plants ay malakas ang tubig sa gitnang silangan kahit ito ay nasa gitna ng disyerto kumpara sa Pilipinas na dumaranas ng krisis sa tubig kahit napapalibutan tayo ng tubig.
Sabi ni Sotto, daan-daang milyong piso ang underspent o hindi nagagastos sa pambansang budget kada taon kaya sigurado na kayang pondohan ang desalination kahit mahal.
Diin pa ni Sotto, hindi tayo dapat makuntento at magtiis na umaasa lang sa ulan na pupuno sa mga dam para tayo ay magkaroon ng tubig na ating gagamitin.