Descendants of the Sun stars Song Hye Kyo at Song Joong Ki, ikinasal na!

South Korea – Ikinasal na ang Descendants of the Sun Korean stars na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki sa isang pribadong seremonya kahapon.

Unang hiniling ng dalawa na nais nilang maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib sa Shilla Hotel, Seoul, South Korea.

Bagamat mailap din sa media ang guest list ng dalawa, napaulat na kasama sa mga ito ang kapwa artista nilang si Park Bo-Gum ng “Love In The Moonlight,” Lee Kwang Soo, na kasama sa agency ni Song Joong-Ki, Zo In-Sung ng “The Frozen Flower” at Cha Tae-Hyun.


Bumuhos naman ngayon ang pagbati para sa dalawa, mula sa kanilang mga kaibigan, pamilya at mga fans saan mang sulok ng mundo.

Facebook Comments