Buo na ang desisyon ni Adel Milan na huwag magsampa ng kaso laban sa mga pulis na humuli sa kanya matapos na mapagkamalang suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo.
Sa isang forum sa Quezon City kanina, sinabi ni Milan na nais na niyang mag-move on sa nangyari para na rin sa ikatatahimik niya at ng kanyang pamilya.
Pagkalabas ng kulungan, nauna nang pumirma ng waiver si Milan hinggil sa hindi nito pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis.
Matatandaang sinisi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang witness na tumukoy kay milan bilang suspek sa krimen.
Umapela naman ang abogado ni Milan na si Atty. Larry Gadon sa mga pulis na mag-ingat sa paggawa ng konklusyon kung sino ang totoong may sala.
Inalok din daw ng pulisya si milan ng trabaho bilang runner at messenger ng local police.