DESIDIDO! | Dayuhan na kinotongan ng MTPB Enforcer, magsasampa ng kaso laban sa lokal na pamahalaan ng Maynila

Manila, Philippines – Desididong magsampa ng kaso ang dayuhang nabiktima ng pangongotong ng isang traffic enforcer sa maynila kamakailan.

Pero sa halip na ang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ang lokal na pamahalaan ng Maynila raw ang kanyang kakasuhan.

Katwiran ng dayuhang si alyas “Albert” – kinatawan ng Manila City Government ang tiwaling traffic enforcer.


Aminado rin si Albert at kanyang Pinay na asawa na masama pa rin ang loob nila sa mga tao lalo na sa mga netizens na sila pa ang pinalalabas na may sala.

Tinukoy ni alyas “Ernalyn” ang naging pahayag ni MTPB Chief Dennis Alcoreza na “Walang Tatanggap Kung Walang Magbibigay”.

Nauna nang nag-sorry sa mag-asawa ang MTPB.

Katunayan, balak sana nilang iharap sa presscon ang kotong enforcer na si Ferdinand Borja pero nag-awol na ito at hindi na nila mahagilap.

Facebook Comments