DESIDIDO | Kasong plunder laban sa mga sangkot sa DOT-PTV4 ad deal, ikinakasa ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Desidido si Senator Antonio Trillanes IV na isampa ang kasong plunder laban sa mga sangkot sa kontrobersyal na advertisement deal sa pagitan ng PTV4 at Department of Tourism o DOT sa ilalim ng pamumuno ni dating Secretary Wanda Teo.

Diin ni Trillanes, maliwanag pa sa sikat ng araw na lahat ng elemento ng krimen na plunder ay ginawa umano ng magkakapatid na sina Ben Tulfo, Erwin Tulfo at Wanda Teo gayundin ng ilang opisyal ng DOT at PTV4.

Ipinunto ni Trillanes na walang basehan ang paglalagay ng P120 million pesos na advertisement sa programa ng Tulfo brothers na mababa umano ang rating.


Giit pa ni Trillanes, hindi rin kapani-paniwala ang alibi ni dating Secretary Teo na hindi niya alam na ang kanyang sariling kapatid na si Ben Tulfo ang may-ari ng programang kilos pronto.

Binanggit din ni Trillanes ang pag-amin ni Erwin Tulfo na nakinabang siya sa transaksyong ito dahil siya ay kumikita ng P150 thousand na sweldo kada episode na base sa computation ng senador ay aabot sa mahigit 3 milyon piso kada buwan.

Facebook Comments