DESIDIDO | Nonito Donaire, babalik sa division para makasungkit muli ng titulo

Manila, Philippines – Desidido si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na bumaba sa Super Bantamweight Division kasunod ng pagkatalo niya kay Carl Frampton.

Para kay Donaire, ito ang natatanging paraan para makasungkit muli siya ng titulo kung saan susubok ulit siyang lumaban.

Wala namang nabanggit ang Pinoy boxer kung kailan niya ulit balak sumabak sa ring.


Samantalam, may pinagpipilian na si Frampton na susunod niyang makakalaban matapos na talunin si Donaire.

Kabilang rito sina WBO Champion Oscar Valdez at ang sinumang mananalo sa pagtutuos nina IBF title holder Lee Selby at Josh Warrington.

Facebook Comments