Desisyon hinggil sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy, pinag-aaralan pa rin ng Korte Suprema

Hindi pa rin nakakapagbalangkas ng desisyon ang Korte Suprema patungkol sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, patuloy ang ginagawang pag-aaral ng Korte Suprema sa NCAP dahil may iba’t ibang mga polisiya ang lumabas gaya na lamang ng single ticketing system.

Partikular na tinukoy ng Punong Mahistrado ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Local Government Unit (LGU) ng mga polisiya ng NCAP sa Metro Manila.


Matatandaang tinapos ng Korte Suprema ang oral arguments ukol sa NCAP noong Enero 2023.

Kabilang sa kinikwestiyon ng kritiko sa NCAP ay ang kawalan ng due process, paglabag sa right to privacy at ang pagbibigay sa pribadong grupo ng trabaho ng gobyerno sa pagmamando ng trapiko.

Facebook Comments